Top Philippine Movies of 2015

Share

Top Philippine Movies of 2015

Halos isang daang pelikula, both mainstream and indie, ang naipalabas sa taong ito. Patunay na buhay na buhay pa rin ang pelikulang Pilipino. Exes, mistresses, second chances – it’s crazy yet beautiful love that is the most popular theme of mainstream movies this year. Habang kahirapan, pagpupunyagi at pag-asa pa rin ang namamayaning tema ng indie films.

Before the year ends and the Philippine Cinema embarks on another journey, balikan natin ang mga pelikulang sariling atin na di lang tumatak sa moviegoers kundi pati sa international film festivals.

5) Kid Kulafu

Knocking other movies out for the 5th spot is “Kid Kulafu.” This critically-acclaimed biographical sports drama ay hango sa buhay ng ating “Pamabansang Kamao,” Manny Pacquiao, mula sa paglaki niya sa gitna ng kahirapan sa Mindanao hanggang sa pagpasok niya sa masalimuot na mundo ng boxing.

Directed by Paul Soriano and with the lead role played by Buboy Villar, ang “Kid Kulafu” ay naging kinatawan ng bansa sa iba’t ibang film festivals tulad ng Guam International Film Festival kung saan pinarangalan ng “Achievement for Acting” ang former child star na si Villar. Mapapanood na rin ang epic biopic na ito sa cable channel na Red by HBO.

 

4) Anino sa Likod ng Buwan (aka Shadow Behind the Moon)

Stepping out of the shadow of mainstream films is the 4th entry in our list, “Anino sa Likod ng Buwan.” Isang indie film sa direksyon ni Jun Lana, ang pelikulang ito na may international title na “Shadow Behind the Moon” ay mahusay na naisalarawan ang politika sa bansa sa pamamagitan ng relasyon ng tatlong karakter nito.

Pinalabas lamang sa piling mga sinehan pero hindi kinulang ang atensyon na nakuha ng pelikula after receiving 4 major awards at the 13th Pacific Meridian Film Festival, namely Best Director, Best Actress, NETPAC Jury Best Asian Film and the FIPRESCI International Critics Prize. With his creative use of “one-shot” for his narrative, nanalo ding best Director si Lana sa 20th International Film Festival of Kerala.

 

3) A Second Chance

Sino nga ba ang tatanggi in giving another chance if it’s for another Popoy-Basha movie? So let’s save our 3rd spot for the long-awaited sequel, “A Second Chance.” In 2007, Star Cinema gave us the ultimate love story with “One More Chance.” Ngayong 2015, binigyan naman tayo ng sequel na doble sa hugot, doble sa sakit pero doble din sa pag-asa at pagmamahal.

With a very relatable storyline, a little humor in a dramatic plot, great acting from John Lloyd Cruz and Bea Alonzo, hindi katakatakang nakuha na ng “A Second Chance” ang title bilang highest grossing Filipino film of all time. Pero hindi lang ang 556 million pesos ang kinita ng pelikula, it also earned good reviews from film critics at ang pagmamahal ng Filipino moviegoers.

 

2) That Thing Called Tadhana

Is it also destiny that led this movie into our list? Let’s see as “That Thing Called Tadhana” lands on our no. 2. Originally released in 2014 bilang bahagi ng Cinema One Originals Film Festival, ngayong taon lang nagkaroon ng commercial release ang “Tadhana” pero kumita pa rin ito ng mahigit 134 million pesos, making it the highest grossing Filipino independent film of all time.

Ang pelikula na nagpa-uso sa mga “hugot lines” habang nananatiling lighthearted and funny, “Tadhana” follows the unexpected meeting of brokenhearted Mace and helpful Anthony. Mula NAIA hanggang Sagada, hindi ka bibitiw sa pagsubaybay kung paano matututunan ni Mace ang mag-move on. Mula local award-giving bodies hanggang Guam International Film Festival, hindi rin bumitiw ang pelikula sa pag-ani ng awards.

 

1) Heneral Luna

Bago pa tayo mabasahan ng Artikulo Uno, ibigay na natin ang ating top spot sa highest grossing historical film of all time, ang “Heneral Luna.”

Isang indie film na umani ng mainstream success hindi dahil sa mamahaling advertisements kundi dahil sa bukambibig ng mga manonood at online support from netizens, “Heneral Luna” retells the Philippine-American War in a very entertaining and artistic way. Funny, brutally honest, gory, poetic and heartwarming, all at the same time, mahusay na naiparating ng “Heneral Luna” ang mensahe ng pagiging makabayan at ng tunay na kabayanihan.

Earning 253 million pesos in the box office, the respect of both historians and film critics and the faith of the Filipino people, “Heneral Luna” is our official entry to the 88th Academy Awards o mas kilala bilang Oscars.

 

It’s indeed another great year for Philippine Cinema. And let’s give ourselves a pat on the back dahil nakatulong tayo sa pag-unlad na ito. Paano nga ba kikita at mapapanatili ang mga dekalidad na pelikula kung hindi dahil sa suporta ng moviegoers? Kaya’t sa susunod na pagpili natin ng pelikula, tanungin natin ang ating mga sarili, “Negosyo o Kalayaan?”

Related Posts

Post A Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *