Top International Films of 2015

Share

Top International Films of 2015

Comic book heroes, Disney tales, dystopian movie sequels, minions and secret agents, throwbacks or fast-forwards… this year has seen a colorful blend of movies across various genres. At hindi rin natin maitatangi na ito ay taon for “comebacks” – ang pagbabalik ng dinosaurs with “Jurassic World,” ng ating favorite superhero squad with “Avengers: Age of Ultron,” ng speed-loving family with “Furious 7” (minus Paul Walker, though) at ng epic glass shoes with “Cinderella.”

Yet, among these movies – mapa-original, sequel, adaptation o remake man – alin nga ba ang umangat hindi lang sa panlasa ng moviegoers kundi sa pihikang film critics? By combining their ratings, reviews and box office earnings, we have gathered the Top 5 International Films of 2015:

 

5) The Martian

You’ll never be left behind if you’ve watched this movie on our 5th place, “The Martian.” Pinangungunahan ni Matt Damon bilang ang astronaut na si Mark Watney na naiwan sa planetang Mars dahil sa isang aborted mission, ang pelikulang ito ay nagsilbing survival manual sa Red Planet. Based on a novel written by Andy Weir at ikinunsulta pa sa mismong NASA, this movie is considered as the most accurate sci-fi film of our time.

Sa masusing direksyon ni Ridley Scott, naging napaka-realistic ng pelikula. And with the witty script from Drew Goddard, hindi ito naging dragging para sa mga manonood. It is not a surprise, then, that this movie is also a box office hit worldwide with a gross total earning of almost $594 million.

 

4) Carol

Oh, yes, film critics are in love with her and so are we, hence, in the 4th spot is “Carol.” Set in 1950’s New York, “Carol” is an against-all-odds type of love story with many complexities. Sa isang panahong hirap na ngang unawain ang pag-iibigan ng 2 taong magkaiba ng estado sa buhay, paano pa kung pareho silang babae at ang isa ay nasa gitna ng child custody battle matapos ang kanyang divorce?

This romantic drama was wonderfully put into life by director Todd Haynes sa tulong ng detalyadong production design, makabagbag damdaming musical score, at higit sa lahat, sa makatotohanang pagganap na award-winning actresses na sina Cate Blanchett at Rooney Mara. Hindi man isa sa top-grossing movies ng taon, umani naman ng atensyon ang pelikula dahil sa industry at critics’ awards and citations na natanggap nito.

 

3) Star Wars: Episode VII – The Force Awakens

The force is strong with our no. 3 as Jedis and Lightsabers return on screen with “Star Wars: Episode VII – The Force Awakens.” Matapos ang sampung taon ng paghihintay, di katakatakang namiss talaga ng mga manonood ang Star Wars making its gross earnings reach the $1 billion mark matapos lamang ang 12 araw.

Sa direksyon ni J.J. Abrams, ang unang pelikula sa sequel trilogy ay nagpakilala ng mga bagong karakter tulad nina Rey, Finn at ang pinakabagong kontrabidang si Kylo Ren. But the movie also exhibited familiar elements kagaya ng maalamat na pamilya ng Skywalker, isa na namang uri ng Death Star, at ang minahal nating tema kung paano naligtas ng isang grupo ng mga ordinaryong tao ang buong galaxy.

 

2) Inside Out

Whichever side you look at, “Inside Out” definitely deserves our 2nd place. Muli na naman tayong pinaiyak, pinatawa, at pinaiyak sa katatawa ng Pixar Animation Studios with this animated film about emotions. Sino nga ba ang makaka-isip na ang feelings natin ay pwede ring magkaroon ng sarili nilang adventures?

This film about the interplay of emotions as a child undergoes change has received both critical acclaim and box-office success. Dahil sa accuracy ng pelikula, isa na rin itong suggested material sa pagtuturo about emotional intelligence and child psychology. Isa sa mga di malilimutang pelikula ng taon – sino nga naman ang kayang lumimot kay Bing Bong?

 

1) Mad Max: Fury Road

And at our top spot is the crazily beautiful “Mad Max: Fury Road”! Sa dalawang oras ng umaatikabong habulan at paglaban sa mga pole-swinging, girl-snatching warboys ng isang gahamang diktador, hindi ka magkakaroon ng oras para malingat sa pelikulang ito.

A petrol tanker speeding up the desert, a rock star playing a twin-necked guitar amidst the war, Tom Hardy’s commanding presence, Charlize Theron’s coolness and vulnerability, Nicholas Hoult’s heartwarming change of heart – it is mad art that set this film apart. Isang taong nais lang manatiling buhay ngunit maasahan sa oras ng pangangailangan, isang grupo ng kababaihang matatag na tumalikod sa alam nilang mali, isang pagtutulungang tumapos sa isang malupit na pamumuno – aside from its aesthetics, the underlying themes also made this movie sat well in the box-office and atop film rankings.

 

And there goes our Top International Films of 2015; indeed, a great year for the film industry. Sa pagsalubong natin sa bagong taon, don’t miss tuning in again to V81 Radio as we tackle the movies you can look forward to in 2016.

Related Posts

Post A Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *