Kiray and Yohan Hwang sa V81 Radio

Share

Kiray and Yohan Hwang sa V81 Radio

kiray-and-yohan-img-2aKamakailan ay naging guest ng ating Memshie ng Bayan Tito Mike at Pambansang Bading Diego Llorico sa Memshie show ang Korean pero Philippine based singer na si Yohan Hwang at Kapamilya star Kiray Celis.

Si Yohan Hwang ay ang tinanghal na grand winner ng first season ng I Love OPM contest sa ABS-CBN. He was born and raised in Seoul, South Korea pero noong 2014 ay lumipat at permanenteng nanirahan na sa Pilipinas ang kanyang buong pamilya. Both of his parents are church missionaries kaya napadpad sila sa ‘Pinas.

Si Kiray na Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay nagsimula sa showbiz quite young, she joined a contest sa noontime show noon na MTB at the age of four then shortly after the contest ay naging isa sya sa batang host ng nasabing show. At the age of 10 ay naging mainstay sya ng pambatang show na Goin’ Bulilit. Nitong June lang ay nag-showing ang kanyang pelikulang “I Love You To Death” kung saan katambal nya si Enchong Dee.

As expected, naging masaya ang chikahan at kamustahan ng ating Memshie at ni Diego sa ating special na mga panauhin. Nagkatuksuhan pa ng biglang tinanong ni Memshie si Kiray kung possible na ma-in love ito kay Yohan dahil kapansin-pansin ang sweetness at chemistry ng dalawa habang nasa loob ng V81 booth.

Magkasabay pala silang pumunta sa V81 studio and on the way ay biglang nagtanong daw si Yohan kung pweding maging “sila” ni Kiray na agad naman sinagot ng mommy ni Kiray na kasama nila sa kotse ng “No!” Sa ngayon ay work daw muna ang pagtuunan nila ng pansin at panatilihin na lang nila ang friendship nila ni Kiray. Naitanong din kay Yohan kung sino ang crush nya sa showbiz na agad naman nyang sinagot na dati ay si Anne Curtis pero sa ngayon ay si Angel Locsin ang kanyang current crush.

Nagpa-sample pa si Yohan ng dalawnag kanta, first was a Visayan song called “Hahaha Hasula” and the other song was his winning piece sa I Love OPM, ang kantang “Huwag Ka Nang Umiyak” which was originally sang by Ebe Dancel ng bandang SugarFree.

 

 

Si Kiray ay mapapanood sa teleseryeng “Ang Probinsyano” at may ginagawa syang pelikula kasama sina Vice Ganda at Coco Martin na ipapalabas sa December. Samantalang si Yohan ay regular na mapapanood sa Sunday variety show na ASAP. His first album is on the works na and will be released soon.

 

For more masaya at nakakaaliw na chikahan at kantahan, please listen or watch the live video of MEMSHIE, every Saturday, from 9:00PM-11:00PM only here on the number one internet station, V81 Radio.

Related Posts

Post A Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *